TUTUTUKAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Junior Chamber International-Manila (JCI Manila) ang kalusugan ng street sweepers.
Ito ay matapos inilunsad ang Project H2H: “Healthcare to Heroes” na naglalayong makatulong sa kalusugan ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng health card.
Ayon sa MMDA, nasa 200 street sweepers ng ahensiya ang benepisyaryo ng nasabing programa.
Kasama sa mga benepisyong matatanggap ng mga street sweeper ay ang pagkakaroon ng annual physical exam tulad ng blood count, urinalysis, unlimited consultation sa mga accredited health centers sa pakikipagtulungan ng Medicard, at 20% discount sa mga medical laboratory.
Tatagal ng isang taon ang healthcard membership.