Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, itinangging may kinalaman sa umano’y pagre-recruit ng mga poll watcher kapalit ng pera

Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, itinangging may kinalaman sa umano’y pagre-recruit ng mga poll watcher kapalit ng pera

MARIING itinanggi ng kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkakasangkot sa umano’y pagre-recruit ng mga poll watcher kapalit ng halagang Php 2,000 bawat isa, na isinasagawa umano ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal sa Quezon City at posibleng sa iba pang lugar.

Sa opisyal na pahayag ng kampo, iginiit nilang wala silang kinalaman sa naturang aktibidad at hindi nila kinikilala ang mga taong gumagawa nito. Ayon pa sa kanila, hindi nila inutusan, inengganyo, o inaprubahan ang anumang uri ng recruitment para sa poll watchers.

“Hindi namin kilala ang mga taong ito. Hindi kami kailanman nakipag-ugnayan o nag-atas sa kanila para mag-recruit ng poll watchers para sa amin,” ayon sa pahayag.

Mariin din nilang kinondena ang anumang uri ng “vote-buying” at tinawag ang nasabing aktibidad na “false and deceptive mobilization” na maaaring layong siraan ang kanilang kampo.

Pinaniniwalaan ng grupo ni Pastor Quiboloy na maaaring ito ay isang “deliberate ploy” ng mga kalaban upang sirain ang kanyang imahe at pigilan ang patuloy na pag-angat ng kanyang kampanya.

Nanawagan din ang kampo sa publiko, lalo na sa kanilang mga tagasuporta, na manatiling mapagmatyag at agad na ireport sa mga awtoridad o sa kanilang lokal na mga coordinator ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

“Patuloy tayong lumaban ng patas at tama. Tiwala lang po tayo. May langit na nagtatanggol sa atin sa lahat,” panapos na pahayag ng kampo.

#Quiboloy53

#PDP-LABAN

#VoteWisely

#ParaSaBayan

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble