PINANGUNAHAN ni Karl-Anthony Towns ang 128-115 na panalo ng New York Knicks sa latest game nila kontra Indiana Pacers.
Ito’y matapos magtala ng 40 points si Towns, kasabay ng 30 points ni Josh Hart para sa panalong ito ng kanilang koponan.
Si Miles McBride ay mayroong 15 points, habang si Jalen Brunson ay may 8 points para sa Knicks.
Samantala, sa panig ng Pacers, nanguna si Pascal Siakam na nag-ambag ng 42 points.
Follow SMNI News on Rumble