Kaso ng leptospirosis sa bansa, 70% na mas mataas ngayong taon—DOH

Kaso ng leptospirosis sa bansa, 70% na mas mataas ngayong taon—DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na 70 percent na mas mataas ang kaso ng leptospirosis kung ikukumpara sa naitala noong nakaraang taon.

Umabot na sa 3,728 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa bansa mula noong buwan ng Enero hanggang Setyembre 2 ng kasalukuyang taon.

Ito ay kasunod ng mga pag-ulan na naranasan ng bansa dulot ng bagyo at habagat noong buwan ng Hulyo ayon sa DOH.

Ayon sa ahensiya, ang bilang ng kaso ng leptospirosis ay 70 percent na mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon na naitala sa magkatulad na panahon.

Sa mga nakalipas na 3-4 na linggo, 733 leptospiros cases ang naitalang kaso.

Naitala rin ang clustering ng mga kaso sa NCR, Regions 1, 3 at Region 4A.

Anim sa 17 rehiyon ang nakitaan ng pagtaas ng kaso sa leptospirosis gaya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), National Capital Region, Ilocos Region, Region 4-A (CALABARZON), Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Davao Region.

Ang case fatality rate sa mga nasabing rehiyon ay mas mataas din aniya ng 11 percent sa national rate.

Pero nilinaw ng DOH na wala pang outbreak dahil sa leptospirosis.

Ayon sa DOH na sa kabuuang kaso, 87 percent ng mga tinamaan ng leptospirosis ay mga lalaki.

At karamihan sa mga tinamaan ay nasa edad 20-49 o yaong mga lumalabas ng bahay para magtrabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble