PANALO ng silver medal si Arnel Mandal ng Wushu Team mula sa nagpapatuloy na 19th ASIAD.
Ito ang kauna-unahang silver medal na nasungkit ng Pilipinas kasabay ang apat na bronze medals.
Sa event ni Mandal, China ang nakasungkit ng gold medal.
Samantala, si Gideon Padua at Clemente Tabugara na mula rin sa Wushu Team ay nakasungkit ng bronze medals.