NAKATAKDANG pumunta sa Pilipinas ang K-pop star at former ASTRO member na si Rocky para sa kauna-unahang solo fan concert tour.
Ang concert na pinamagatang ‘Fill in the Blank’ ay gaganapin sa Agosto 2 ngayong taon sa SM Skydome, Quezon City.
Kamakailan ay naglabas ang singer ng single na “Book Mark” para sa original soundtrack ng Korean drama series na ‘Heo’s Diner.’ Nakaraang Marso, ay ibinahagi niya rin ang single na “BA BA BYE.”
Nag-debut si Rocky as solo artist noong Nobyembre 2023 kasabay ng kaniyang Extended Play na ROCKYST.
Ang tickets ng “Fill in The Black,” ay nagkakahalaga ng P10,500 sa package ng Wish—kasama rito ang photo ops, official lanyard at mga ID, at may chance rin na manalo ng polaroid na may signature ng singer pati ng poster.
P8K naman para sa VIP, P5,500 sa Patron, at P3,500 sa General Admission.
Magsisimula ang pre-sale ng tickets ngayong Hunyo 16 at magtatapos sa Hunyo 10, sa smtickets.com, at sa lahat ng SM Ticket outlets sa buong bansa.