IPINANGAKO ni Kitty, ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na ikakampanya niya bilang senador si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa kaniyang liham, sinabi ni Kitty na kung sinuman ang mahal ng kaniyang ama ay mamahalin niya rin ito.
Kaya’t susuportahan niya ang Butihing Pastor.
Sinabi rin ni Kitty na sana’y nasa mabuting kalagayan at malusog si Pastor Apollo.
Humingi siya ng paumanhin dahil hindi makabisita sa Butihing Pastor dahil abala ito sa pangangampanya at pag-aaral.
Tiniyak naman ni Kitty Duterte na ipinapanalangin niya ang Butihing Pastor.