NAGMISTULANG theme park ang compound ng The Kingdom of Jesus Christ sa Hong Kong kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Taunang selebrasyon ang ACQ-International Children’s Day sa Hong Kong na simbolo ng pag-asa, pagbibigay at walang humpay na pagmamahal ni Pastor Apollo para sa milyun-milyong kabataan saan mang dako sa mundo.
Maaga pa lang ay abala na ang mga volunteer sa paghahanda para sa gift giving sa mga bata.
Matapos ang ilang oras ay masaya at excited na dumating sa venue ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang.
Nagmistulang parke ng mga bata ang compound dahil sa makukulay na dekorasyon at sa mga itinayong palaruan gaya ng trampoline at bouncy castle.
Masaya ring pumila ang mga bata para sa nail polish, tatoo na pambata, stickers, stamps, face painting at hand printing.
Tuwang-tuwa rin ang mga bata sa mga inihandang palaro para sa kanila.
Lalo na ang mga inihandang masasarap na pagkain, tulad ng cotton candy, ice cream, chocolate fountain, spaghetti at iba pang pagkain.
Samantala ang pinaka-aabangan naman ng mga ito ay ang paghiwa sa makulay na giant cake na pinalibutan ng iba’t ibang uri ng prutas.
Kumanta rin ang mga ito ng maligayang kaarawan para kay Pastor Apollo at nagpasalamat sa selebrasyong handog nito para sa kanila.
Nagpasalamat din ang mga ito sa mga regalo na laruan at iba pang kagamitan na natanggap mula sa butihing Pastor.
Tunay nga na napakalaki ng pag-ibig ni Pastor Quiboloy para sa mga bata dahil sa pag-aalay nito ng kaniyang kaarawan para sa lahat ng mga bata sa buong mundo anumang rasa o estado sa buhay.