KOJC Style leadership ni Pastor Apollo C. Quiboloy, dadalhin sa gobyerno sa pagtakbo niya sa Senado —Ekonomista

KOJC Style leadership ni Pastor Apollo C. Quiboloy, dadalhin sa gobyerno sa pagtakbo niya sa Senado —Ekonomista

SA panayam sa SMNI Radio ay hayagang sinabi ng ekonomistang si Dr. Michael Batu na suportado niya ang pagtakbo ni KOJC Founder Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador.

Ani Dr. Batu, na ngayon ay naka-base sa Canada, hindi biro ang ginawa ni Pastor Apollo sa KOJC sa loob lamang ng maiksing panahon.

September 1, 1985 naitatag ang KOJC sa Davao City at sa loob ng 39 na taon, nasa 2,000 siyudad at 200 bansa na ito sa buong mundo.

Saad ni Dr. Batu, hindi lalaki ang KOJC ng ganito kung hindi tapat ang liderato ng butihing Pastor.

‘Kung hindi sa inyo malinaw sa mga nakikinig kung ano yung vision ni Pastor, tingnan niyo nalang kung ano ang nangyari sa KOJC. Kung ano yung mga maganda na nakita natin na nagawa ni Pastor Quiboloy sa KOJC,’ ayon kay Dr. Michael Batu.

Partikular sa mga isinisulong ni Pastor Apollo ang mga panukalang batas kontra korupsiyon na ani Dr. Batu ay may malaking factor sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kabilang na dito ang panukalang pagbuo ng Truth Commission na mag-iimbestiga sa lahat ng isyu ng katiwalian sa bansa.

Sakop ng proposed Truth Commission Act ang pagpapapirma ng waiver sa mga taga-gobyerno kung saan panunumpain ang mga ito na hindi magnanakaw sa pera ng bayan.

Isinusulong din ni Pastor Apollo ang death penalty sa mga mapapatunayang sangkot sa korupsiyon.

‘Kapag ikaw ay nagpapanday ng batas, kinakailangan mo ng vision. Diba kasi yung batas na yan, polisiya yan eh. At yung polisiya na yan, tinatahak yung vision na gusto mo para sa bansa—and Pastor Quiboloy has that vision,’ saad nito.

Kasama rin sa matinding isusulong ng KOJC Founder ang pagpapa-walang bisa sa concurrent resolution no. 10 sa kongreso at pangungunahan ang pagbabawal sa liquidation by certification sa lahat ng government transactions.

Sa isang 2023 study ng Transparency International, nasa ika-116 ang Pilipinas mula sa 180 mga bansa sa problema sa korupsiyon.

Habang naniniwala naman ang 84% ng mga Pilipino na kailangang tapangan ng Marcos Jr. administration ang pag-resolba sa korupsiyon sa gobyerno.

‘Transparency International’s 2023 corruption report ranked the Philippines 116th out of 180 countries, showing little improvement from its 2021 ranking. A Pulse Asia survey commissioned by international think tank Stratbase ADR Institute revealed that 84 percent of Filipinos believe that the Marcos administration needs to pursue stronger anti-corruption efforts.’

At para kay Dr. Batu, kailangang makaupo ang non-traditional politicians para maging halimbawa sa pagresolba sa isyung ito.

Aniya, ang mga non-trapo na kandidato ay walang vested interest sa pondo ng bayan.

Sa kaniyang pinakahuling mensahe sa bayan, iginiit ni Pastor Apollo na ang pera ng bayan ay dapat lamang gamitin para maging first-world country ang Pilipinas.

At kung hindi ganito ang vision kung paano gamitin ang pondo ng pamahalaan, saad ng butihing Pastor, ay mauuwi lamang sa katiwalian.

‘At yan yung vision na dadalhin ni Pastor sa ating bansa. At all of the programs, the legislation—all of these are guided by his vision na mangyari ni Pastor para sa ating bansa,’ ani Batu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter