Komento ng Gabriela sa isyu ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang black propaganda- Ka Eric

ISANG black propaganda ang ginawang komento ng Gabriela sa isyu ni Pastor Apollo C. Quiboloy ayon kay Jeffrey ‘’Ka Eric’’Celiz.

Naniniwala si Ka Eric na layunin ng CPP-NPA-NDF na pilayan si Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang pakikipaglaban kontra CPP-NPA-NDF.

Kasunod ito sa lumaganap na isyu kamakailan sa umano’y sex trafficking case ng butihing Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ sa Estados Unidos.

Matatandaang nagbigay ng kakila-kilabot na komento hinggil dito si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

Sinabi niyang binibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng free pass ang kanyang mga kaalyado sa pangmomolestiya ng kababaihan kahit pa wala naman itong sapat na ebidensya sa kaso ni Pastor Apollo.

Ayon kay Ka Eric, malinaw na black propaganda lang ito ng teroristang grupo para tumigil ang butihing Pastor sa pangangampanya nito laban sa kanila.

Nakikita rin ni Ka Eric na layunin lang ng mga ito na dungisan ang integridad ng SMNI at DZAR, ang broadcasting network ng butihing Pastor.

Halata na ani Ka Eric na nasasaktan ang front arms ng CPP-NPA-NDF lalo na sa mga expose na nilalabas sa programang Laban Kasama ang Bayan ng SMNI.

Nakahanda naman si Ka Eric na suportahan si Pastor Apollo at ang buong The Kingdom of Jesus Christ sa laban na ito.

BASAHIN: Pastor Apollo, sinisiraan ng CPP-NPA-NDF sa paninindigan laban sa insurhensya- Usec. Badoy

SMNI NEWS