TUMATAAS ng 6% ang konsumo ng tubig sa Metro Manila tuwing tag-init, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ipinanawagan ng ahensiya ang pagtitipid, ngunit binigyang-diin na hindi lang ito dapat gawin tuwing tag-init kundi sa buong taon.
Tiniyak din ng MWSS sa mga residente ng Metro Manila na hindi magkakaroon ng pagkaantala sa suplay ng tubig kahit na tumaas ang demand nito.
Inatasan na rin ang Maynilad at Manila Water na magpatupad ng 5-year plan upang mas mapabuti ang sistema ng tubig sa National Capital Region (NCR).