Korean leader Kim Jong Un, tutungo sa Russia para sa isang summit kasama si Putin

Korean leader Kim Jong Un, tutungo sa Russia para sa isang summit kasama si Putin

INIULAT ng South Korean media na nagtungo si North Korean Leader Kim Jong Un sa Russia sakay ang isang armoured train para makipagkita kay President Vladimir Putin.

Inaasahang magaganap ang pulong ng dalawang lider nitong Martes.

Una na ring kinumpirma ng Kremlin ang inaasahang pagbisita ni Mr. Kim sa Russia.

Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na bumiyahe sa abroad si Mr. Kim makalipas ang mahigit apat na taon mula noong pandemic.

Inaasahang tatalakayin sa pagpupulong ang posibleng pagbibigay ng North Korea ng mga armas para suportahan ang giyera nito sa Ukraine.

Matatandaan na nagkaroon din ng meeting sina Kim at Putin noong 2019 sa Vladisvostok na malapit sa border ng China at North Korea.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble