Krimen sa kabisera ng Pilipinas, tumaas

Krimen sa kabisera ng Pilipinas, tumaas

NITO lamang nakaraang buwan ng Abril nang maitala sa isang pandaigdigang database survey na Numbeo kung saan pumangalawa ang Maynila na kabisera ng Pilipinas na may mataas na crime index sa Southeast Asia.

Ang Numbeo na kilala bilang largest database system sa mundo kung saan lumabas sa kanilang pagsusuri batay sa rekomendasyon at obserbasyon ng mga user nito na ang Manila na capital ng Pilipinas ang nanguna sa may pinakamataas na bilang ng krimen sa buong Southeast Asia habang nasa ika-44 na puwesto naman ito sa buong mundo.

Batay sa datos ng Numbeo, nakakuha ang lungsod ng Maynila ng 64.7 percent crime index na sinundan ng Kuala Lumpur (Malaysia), Phon Penh (Cambodia), Jakarta (Indonesia), Ho Chi Minh (Vietnam), Cebu (Philippines), Joho Bahru (Malaysia), Pattaya (Thailand), Iloilo (Philippines) at Bangkok (Thailand).

Dahil dito, aminado ang PNP na malaking hamon para sa kanila na bantayan ang Kalakhang Maynila para matiyak ang kaligtasan ng mamamayan nito kasama na ang iba pang malalaking probinsiya sa bansa.

Kaya naman, parte ng kanilang pagtugon dito ang mas pinalawak na deployment ng kanilang mga tauhan hanggang sa pinaliblib na lugar ng bansa para matiyak na hindi sila maiisahan ng mga kriminal.

“It’s in the news na bakit ang Metro Manila, bakit mataas ang Manila, sabi mataas po talaga dahil highly densed po kasi ang population ng Metro Manila. But if you will see ito na ‘yung ginagawa nila in crime solution. Crime efficiency, napakataas, hindi po natin pinapabayaan, mayroon po tayong crime bagamat mangyayari at mangyayari ‘yun. Pero what’s important po dito is ‘yung pulis po natin na mayroong crime solution and crime efficiency, sinasabi ko na ang pagbaba po ng 85% (deployment) is a new one hopefully po lalo pong bababa ‘yung crime natin,” pahayag ni PGen. Rommel Francisco Marbil, Chief, PNP.

Pero mukhang tagilid na naman ang peace and order campaign ng administrasyon matapos na lumabas sa kanilang Hulyo 17, 2024 Survey Forbes Advisor na Worlds Riskiest City kung saan nakuha ng Maynila ang pang limang puwesto na pinakadelikadong lugar sa mundo sa usapin ng personal security, pang siyam sa usapin ng krimen, pang siyam sa pinakadelikadong lugar sa usapin ng infra security, pang pito sa pinakadelikadong lugar sa health security at pang 12 naman bilang pinakadelikadong lugar sa usapin ng digital security.

Batay sa survey nangunguna ang Caracas, Venezuela bilang riskiest city sa mga turista, sinundnan ng Karachi, Pakistan, Yangon, Myanman at Lagos, Nigeria.

Habang ang Singapore naman ang nanguna bilang safest o pinakaligtas na lugar sa mundo para sa mga turista, mababang disaster risk at pangalawa sa pinakamababa sa usapin ng health security risk.

Sinundan ito ng Tokyo (Japan), Toronto (Canada), Sydney (Australia), at Zurich (Switzerland).

Ang Forbes Advisor ay isa rin sa pinakamalaking platform sa mundo na pangunahing pinagbabasehan ng mga malalaking kompanya, negosyo at maging ng mga turista at mamumuhunan upang masuri ang mga lugar o bansa na magandang bisitahin, tumira o magnegosyo.

Sa pahayag ng National Capital Region Police Office bumaba ang focus crimes ng Metro Manila kumpara sa mga datos nito noong taong 2022 at 2023.

“Focus crimes in Metro Manila continuously going down if we compare it to 2022, 2023 to present month by month,” pahayag ni PMGen. Jose Melencio Nartates Jr., Regional Director, NCRPO.

Enero ng taong kasalukuyan, nang maglabas ang analytic and advisory firm na Gallup ng kanilang law and order index kung saan ang Pilipinas ay pumangatlo bilang ‘safest country’ sa Southeast Asia na may 2023 Index Score of 86, kung saan pinangunahan ito ng Vietnam (92) at Indonesia (90).

Nakuha rin ng bansa ang 33rd safest country over all rank nito mula sa 141 iba pang mga bansa.

Sa kabilang banda, lalo pa umano paiigtingin ng PNP ang kanilang anti-criminality campaign kasama na ang pagtugis sa mga high value criminals sa bansa.

Layon naman nito na matiyak ang kapayapaan at seguridad ng publiko lalo na sa paparating na midterm elections sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble