PUNO ng iba’t ibang panawagan sa Marcos Jr. administration ang mga placard ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kabilang sa mga placard ng mga dumalo sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ay ang panawagang ihinto ang korapsiyon sa gobyerno.
Ang mga panawagang labanan ang CPP-NPA-NDF, ang walang pakundangang paggastos sa kaban ng bayan, at pag-protekta sa konstitusyon.
Matatandaan na isa sa mga ginagawa ngayon ng Marcos Jr. administration ang kontrobersiyal na People’s Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.
Ipinanawagan din ang hustisya para kay Pastor Apollo na iniipit ngayon sa Senado at Kamara para dumalo sa mga imbestigasyon pati na ang resignation call kay Sen. Risa Hontiveros.
Higit sa lahat, ipinanawagan sa event ang pagtayo sa katotohanan o ‘Stand for Truth’ laban sa naglipanang fake news sa social media.
Inaanyayahan naman ang lahat ng mga Pilipinong may totoong malasakit sa bayan na magtungo sa Liwasan at sama-sama nating iparinig ang nagkakaisang boses ng mga Pilipino.
Tatagal ng pitong araw o hanggang Marso 12, 2024 ang mapayapang prayer rally.