TINATAYANG nasa 18-K ang sasali sa Batang Pinoy at Philippine National Games.
Batay sa datos ng Philippine Sports Commission (PSC), sa Batang Pinoy ay nasa 14 na libong atleta ang lalahok habang halos apat na libo ang sasali sa Philippine National Games.
Ilan sa mga laro na mai-feature dito ay ang archery, arnis, athletics, badminton, basketball 3×3, boxing, chess, kickboxing, lawn tennis, muay thai, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, beach volleyball, wrestling, weightlifting at marami pang iba.
Ang opening ceremonies ay gaganapin ngayong Linggo, Disyembre 17, 2023 sa Ninoy Aquino Stadium.