HINILING ng Regional Headquarters ng Philippine National Police sa Lanao del Norte na mai-deploy sa kanilang lugar ang karagdagang 400 pulis ngayong eleksyon.
Ito’y upang palakasin ang seguridad sa mga lugar doon na may matinding tunggalian sa politika.
Matatandaan na kasama ang nunungan, Lanao del Norte sa mga lugar na nasa ‘red category’ o mga lugar na may seryoso at matinding banta.
Nasa ‘orange category’ naman ang Magsaysay, Munai, Poona Piagapo at Pantar.
Ibig sabihin sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘orange category’ ay ang pagkakaroon ng presensya ng mga armadong grupo.