INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na nangangalahati na ang langis mula sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ayon kay PCG spokesperson na mula sa 800,000 litrong langis ngayon ay nasa 400,000 na lamang ito, at patuloy na tumatagas.
Tiniyak naman ng PCG na patuloy silang gumagawa ng hakbang upang makuha ang mga natitirang langis at mahinto ang pagkalat nito sa katubigan.
Isa sa mga opsiyon ng ahensiya ay paggamit ng underwater vehicles para makuha ang langis sa mga natitirang tanker.
Sa huling ulat, nasa 10,363 litrong oily water at 131 sakong oil-contaminated materials na ang nakolekta ng PCG mula Marso 1 hanggang 28 mula sa 13 barangay sa Oriental Mindoro.