Lea Salonga, mayroong holiday album ngayong taon

Lea Salonga, mayroong holiday album ngayong taon

MAGKAKAROON ng panibagong album ngayong Nobyembre si Lea Salonga.

Sa kaniyang Instagram post, sa Nobyembre 1 matutunghayan ang kaniyang album na may pamagat na “Sounding Joy”.

Kasabay nito, sa Disyembre ay magkakaroon rin ng North American tour si Lea.

Ito na ang kauna-unahang holiday album ng Tony Award-winning singer matapos ang 20 taon dahil huling release nito ay ang “Lea Salonga: The Christmas Album” noong 2001.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble