Leo Marcos, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema kung bakit hindi siya dapat ma-contempt kasunod ng kanyang pag-atras sa eleksyon

Leo Marcos, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema kung bakit hindi siya dapat ma-contempt kasunod ng kanyang pag-atras sa eleksyon

HINDI pinalampas ng Korte Suprema ang ginawang pag-atras ni Leo Marcos sa May 12 elections.

Matatandaan na nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) noong Enero 21 ngayong taon ang kataas-taasang hukuman laban sa Commission on Elections (COMELEC) para makatakbo si Leo Marcos sa eleksyon kasunod ng kaniyang apela sa korte.

Pero makaraan lamang ng ilang araw ay personal itong naghain ng withdrawal sa COMELEC.

Si Leo Marcos ay una ng idineklarang nuisance candidate o pampagulong kandidato ng komisyon.

Sa lumabas na kautusan ng Korte Suprema, kailangan nitong magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-contempt ng korte dahil sa kaniyang mga hakbang na nagpapakita ng kawalan ng galang sa ginagawang proseso ng kataas-taasang hukuman.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble