NAGPAHAYAG ng suporta sa proyektong pabahay ng gobyerno ang tatlo pang local government units (LGUs) sa Metro Manila, bilang bahagi ng panukala upang matugunan ang mahigit 6.5M housing backlogs sa bansa.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na nilagdaan niya ang tatlong memoranda of understanding kasama ang Caloocan City, Valenzuela at Malabon.
Isa sa mga proyektong pabahay, ayon kay Acuzar, ay itinuturing modelo ng matagumpay na programa para sa mga Informal Settler Families (ISFs).
Ang DHSUD ay nagsusulong para sa on-site, in-city housing projects, na tila resulta ng mga aral na natutunan sa nakaraan kung saan ang hindi inakala na mga proyekto sa pabahay ay nagresulta sa pag-aaksaya ng pondo ng gobyerno dahil ang mga ISF ay palaging babalik sa Metro Manila at iba pang mga urban na lugar dahil ito ang kanilang mga lugar ng trabaho.
Hinimok ni Acuzar ang mas maraming LGU at stakeholders na makibahagi sa programa na naglalayong tugunan ang 6.5-M pangangailangan sa pabahay sa pamamagitan ng pagtatayo at pagbibigay ng isang milyong housing units bawat taon o 6-M housing units sa loob ng 6 na taong termino ng kasalukuyang administrasyon.