Liblib na barangay sa Pangasinan binisita ng ‘Pastor Apollo Quiboloy for Senator Movement’

Liblib na barangay sa Pangasinan binisita ng ‘Pastor Apollo Quiboloy for Senator Movement’

SA patuloy na misyon ng ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ na labanan ang pekeng impormasyon, isang barangay na bihirang bisitahin ng mga lingkod-bayan ang pinuntahan ng grupo ng senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kilala ang Barangay Puelay sa pagiging salat sa buhay. Ayon sa mga residente, isang kahig, isang tuka ang kanilang pamumuhay. Pero kahit pa nasa liblib na bahagi sila ng Pangasinan, ramdam na ramdam nila ang epekto ng pagbagsak ng ekonomiya. Isa sa hindi nila malilimutang pangako ni Marcos Jr. —ang ₱20 kada kilo ng bigas—na tila pangako na tuluyan nang napako.

Dahil dito, lubos nilang pinasalamatan ang ginagawa ni Pastor Apollo sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa kanilang liblib na barangay.

“Napaka-importante po kasi para malaman at makita niyo kung ano ang kalagayan ng mga nasa sulok. Kasi minsan, ang nakikita lang ay ‘yung mga nasa unahan, pero ‘yung mga nasa dulo, ‘yun ang mga kawawa.”

“’Yung mga nasa laylayan, kumbaga, hindi na po sila nakikita. Hindi na rin po alam kung ano ‘yung mangyayari. Kaya dapat po talaga na puntahan sila,” ayon kay Ate Catheryn, Dating OFW, Residente ng Brgy. Puelay, Villasis, Pangasinan.

“Napakahalaga po ng ginagawa ninyo na pumupunta kayo sa liblib na lugar upang maipaalam ninyo kung ano ang katotohanan. Halos lahat ngayon, alam niyo naman, sa media, maraming fake news. Pero ‘yung iba, pinaniniwalaan agad kung ano ang napapanood nila. Maganda rin ‘yung ginagawa ninyo na personal na pinupuntahan ang mga tao sa liblib na lugar para malaman talaga nila ang totoong nangyayari,” wika ni Kuya Danila, Residente ng Brgy. Puelay, Villasis, Pangasinan.

“Malaking bagay po na nakapunta kayo dito dahil nalaman namin ang totoo. Dati, nakikinig lang kami sa balitang fake news, pero ngayon, namulat ang aming mata. Nasabi ninyo po ang katotohanan at alam na namin kung ano ang talagang tama,” saad ni Kuya Sonny.

Sa mga nagdaang pagpupulong ng ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ sa iba’t ibang barangay sa buong bansa, mainit ang naging pagtanggap ng mga residente. Ayon sa kanila, higit nilang kinakailangan ngayon ang ganitong klase ng pagpupulong dahil sa lumalaganap na maling impormasyon—kung saan ilan sa mga ito ay nagmumula pa sa mismong mga pinagkakatiwalaan nilang mainstream media.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble