HINDI matatawaran ang saya sa mata ng mga kabataan sa Quilombo Community sa Brazil kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na idinaraos sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Abril 25 ang kaarawan ng pangulo ng Associacao Children`s Joy International do Brasil (ACJIB) na si Pastor Apollo kung saan namamahagi ito ng mga regalo, nag-uumapaw na mga pagkain at mga laruan sa mga kabataan sa buong mundo.
Ngayong taon ang tema ay “One Culture, Culture of Love” kung saan nagtungo ang mga volunteers sa Quilombo Community, 50 kilometro mula sa capital city ng Brasilia sa Cidade Ocidental.
Matatandaang 300 taon ang nakalipas nang dumating sa Brazil ang tribo matapos itong dalhin ang mga Aprikanong naging biktima ng Trans Atlantic Slave Trade.
Ang Quilombo ay hango sa wikang Bantu na ang ibig sabihin ay ‘forest warrior’ isang pamayanan na nasa gitna ng kagubatan na binubuo ng mga aliping tumakas at nakipaglaban sa kanilang kalayaan.
Samantala, mula sa higit 200 Quilombo Communities sa Brazil, Quilombo Mesquita ang napili para sa International Children’s Day (ICD) ngayong taon.
Ilang linggo bago pa nagsimula selebrasyon ay personal na nagtungo ang mga volunteer sa lugar upang ipakilala ang misyon at ang hangarin nitong magsagawa ng feeding at birthday celebration sa lahat ng mga kabataan.
Umaga ng Abril 25, 2023 naman nang sabay-sabay na nagtungo ang mga volunteer ng ACJIB sa munisipalidad para sa kaarawan ng mga kabataan.
Hindi mabayaran ang abot-tenga ang ngiti, at tuwa ng mga kabataan sa kanilang adopted birthday.
Matiyaga ring pumila ang mga ito sa food booth at palaruan na dinaluhan naman ng mga magulang nito.
Namahagi rin ng regalo para sa espesyal na selebrasyon na ito si Pastor Apollo C. Quiboloy kung saan iba’t ibang klase ng laruan at mga kagamitan ang natanggap ng mga bata.
Isa naman sa pinakahihintay ng lahat ay ang cake blowing kung saan nanlaki ang mga mata ng mga ito dahil sa higanteng cake at sabay-sabay itong umawit ng maligayang kaarawan para sa butihing Pastor.
Malaki rin ang pasasalamat ng mga volunteer dahil naipaabot nito ang misyon ng butihing Pastor na maghatid ng pagmamahal at aruga sa mga kabataan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.