Libu-libong tagasuporta, dumagsa sa grand rally ng DuterTEN Senatorial Candidates sa Sogod, Southern Leyte!

Libu-libong tagasuporta, dumagsa sa grand rally ng DuterTEN Senatorial Candidates sa Sogod, Southern Leyte!

SOGOD, SOUTHERN LEYTE – Abril 23, 2025 – Dinagsa ng libu-libong tagasuporta ang grand rally ng DuterTEN Senatorial Candidates ngayong araw sa bayan ng Sogod, habang patuloy ang pag-ikot ng PDP-Laban sa buong bansa upang itaguyod ang kanilang mga pambatong kandidato sa Senado.

Ang makasaysayang pagtitipon ay sinalubong ng mga sigawan, masigabong palakpakan mula sa mga mamamayang sabik sa tunay na pagbabago.

Ipinakita ng mga taga-Southern Leyte ang kanilang matibay na suporta sa adbokasiyang dala ng DuterTEN team—mga platapormang nakatuon sa kalusugan, kabuhayan, kapayapaan, at katapatan sa serbisyo.

“Ito ang rally na hindi lang para sa isang partido, kundi para sa kapakanan ng mas maraming Pilipino,” pahayag ng isa sa mga organizer.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble