SA panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, hindi nito pinakialaman ang sinumang itatalagang Speaker sa House of Representatives.
Ito ang ibinunyag ni dating Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, hinahayaan lang ni FPRRD ang Kamara na gawin nila ang kanilang tungkulin sa bansa.
Bilang tugon ito ng abogado sa kumakalat na umano’y internal memorandum na nilagdaan ng kasalukuyang Executive Secretary.
Nakasaad umano sa naturang memorandum ang isang survey presentation kung saan ipinapahiwatig ang pagpapalit ng liderato ng Kamara.
Para kay Panelo, kahit totoong magkakaroon ng palitan ng liderato sa Kamara, wala pa ring magbabago kung panay sunod lang ito sa dikta ng Pangulo.