Lipa City, Batangas, buong tiwala sa PDP–Laban at kay Pastor Quiboloy

Lipa City, Batangas, buong tiwala sa PDP–Laban at kay Pastor Quiboloy

LIPA City, Batangas — Positibo ang naging pagtanggap ng mga Batangueño sa buong hanay ng PDP–Laban sa ginanap na pagtitipon sa Brgy. Pinagtungulan, Lipa City, bilang bahagi ng nationwide “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally.

Nagpakita ng matibay na pakikiisa ang mga residente sa pamamagitan ng aktibong pagdalo at pakikinig sa plataporma ng partido. Ayon sa mga dumalo, ang maayos, malinaw, at konkretong plano ng PDP–Laban ang dahilan kung bakit patuloy nilang sinusuportahan ang mga kandidato nito, lalo na si #53 Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Para sa mga Batangueño, ang “Tatak Duterte” ay nananatiling inspirasyon — isang pamumunong may direksyon, pruweba, at tunay na malasakit sa sambayanan. Kaya naman, solido ang kanilang paninindigan: sa Halalan 2025, ang boto nila ay para sa lider na may puso, prinsipyo, at tunay na naglilingkod sa bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble