Logo-making contest, isinagawa ng TESDA para sa bagong slogan; Nilinaw na hindi papalitan ang official logo

Logo-making contest, isinagawa ng TESDA para sa bagong slogan; Nilinaw na hindi papalitan ang official logo

ISINAGAWA ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang logo-making contest para sa bagong slogan at nilinaw na hindi papalitan ang official logo.

Ikinokonsidera ngayon ng TESDA ang magkaroon ng logo para mai-promote ang kanilang panibagong slogan.

Sinabi ng TESDA na sa bagong slogan na “Sa TESDA, Lingap ay Maaasahan”, target nila na maipakita ang mas quality-assured at globally competitive na technical-vocational.

Kaugnay nito ay pipiliin ng TESDA ang bagong logo mula sa kanilang isinagawang contest na magtatapos hanggang Hulyo 31.

Bukas ang contest sa publiko at ang mananalo ay makatatanggap ng P10-K at certificate of recognition na nilagdaan ng TESDA secretary.

Sa huli, nilinaw ng TESDA na hindi nila papalitan ang kanilang official logo.

Ang sinasabi nilang pipiliing logo ay tanging para lang sa kanilang slogan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble