Loreto, Dinagat Islands, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Loreto, Dinagat Islands, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

NIYANIG ng magnitude 4.7 na lindol ang Loreto, Dinagat Islands kaninang alas 3:13 ng hapon.

Naitala ang pagyanig sa 24 kilometro timog-silangan ng Loreto.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 18 kilometro.

Naitala ang Intensity 4 sa Surigao City, Intensity 3 sa San Ricardo, San Francisco, Liloan, at Pintuyan, Southern Leyte habang Intensity 2 sa Saint Bernard, Silago, Anahawan, at Hinunangan, Southern Leyte; Abuyog, Hilongos, at La Paz, Leyte.

Wala namang inaasahang napinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Follow SMNI NEWS in Twitter