LTO, nagbabala sa publiko na mag-ingat mula sa mga online fixer at scammer

LTO, nagbabala sa publiko na mag-ingat mula sa mga online fixer at scammer

NAGBABALA ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na mag-ingat sa mga online fixer at scammer lalo na sa mga nagpapanggap bilang mga kawani ng ahensiya.

Ito ay matapos makatanggap ng samu’t saring reklamo ang ahensiya na maraming nabibiktima ng mga online fixer.

Bukod sa ito’y iligal, maaaring magamit pa ang mga personal na detalye para sa mga masamang gawain.

Hinimok ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga serbisyong alok ng mga online fixer at scammer.

Sa oras mahuli ang sinumang nanloloko, may karampatang parusa ang naghihintay gaya na lang ng paglabag sa Article 315 o ang Revised Penal Code on Deceit/Swindling.

Gayundin ang Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Hinikayat naman ang publiko na magtungo sa pinakamalapit na opisina ng LTO para sa wasto at lehitimong proseso.

At maaari ding bisitahin ang mga official social media accounts ng LTO ayon sa mga sumusunod:

Facebook: @LTOPhilippines

Twitter: @LTOPhilippines

Instagram: @ltophilippines

TikTok: @ltophilippines

Source: LTO

 

Follow SMNI NEWS in Twitter