Lumubog na bangka sa Palawan: 1 patay, 2 nawawala

Lumubog na bangka sa Palawan: 1 patay, 2 nawawala

LUMUBOG ang isang bangka sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan nitong 8 ng Hunyo.

Isa ang kumpirmadong nasawi, walo ang nakaligtas, habang dalawa ang kasalukuyan pang nawawala.

Patungo sana ang nasabing bangka sa bansang Malaysia sakay ang mga Pinoy na mula sa Las Piñas, Balintawak, Olongapo, Mandaue at Cebu.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jelyn Amparna mula Cavite.

Base sa ulat ni Coast Guard Balabac – Acting Station Commander Ensign Mark Joseph Bajao, maaari umanong nakaranas ng engine failure ang bangka na sinabayan pa ng masamang panahon.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente kabilang na ang posibilidad na maaring mga biktma ng human trafficking ang mga nailigtas na pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble