MULI na naman nag-ingay ang medical mission na isinagawa ng St. Gerrard Charity Foundation Inc. na pinangunahan ni Kuya Curlee at Ate Sarah Discaya sa Brgy. Ugong sa lungsod ng Pasig, araw ng Sabado.
Kung saan daan-daang katao sa lugar ang nakinabang sa mga serbisyo ng medical mission ng St. Gerrard Charity Foundation Inc.
May libreng gamot, checkups, haircut, manicure, at pedicure, tuli, massage, eyeglasses, at pagkain na maaring piliin ng mga benepisyaryo.
Namahagi na rin ang SGC Charity Foundation Inc. ng wheelchairs, crutches, at quadcanes sa persons with disabilities (PWDs), matatanda, at libreng bakuna para sa mga may alagang aso.
Hindi naman maipinta ang kasiyahan ni Aileen para sa amang nangangailangan ng wheelchair.
Kapos na ang pamilya ni Aileen dahil kakaopera lang ng kanilang ama na nasa 75 ang edad at nangangailangan ng wheelchair.
Sa post sa isang social media, nakita niya dito na kasama sa iniaalok na medical mission ng St. Gerrard Charity Foundation Inc. ang wheelchairs.
“So malaking tulong po talaga ang naibigay ni mam ni sir ng wheelchair dahil panahon ngayong napakahirap po talaga para makabili,” ayon kay Aileen.
Layon ng mag-asawang Kuya Curlee at Ate Sarah na tulungan ang mga kapos na nangangailangan ng libreng medikal at iba pang serbisyong handog sa medical mission.
‘’Yung mga tao talagang walang-wala talaga na parang walang malapitan, so ito po nilalapit na namin sa kanila ang medical mission, upang makatulong po kami sa lahat ng barangay dito sa Pasig,” ani Curlee Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation.
Bukod sa mga nabanggit, namigay rin ng dalawang e-trike patrol ang mag-asawa para sa Brgy. Ugong.
Abala rin sa mga aktibidad ang couple para sa Brigada Eskwela.
“Ang inaano naming for the Brigada Eskwela, ‘yung mga cleaning materials, paint, ‘yan ang ido-donate namin sa iba’t ibang schools,” ayon kay Sarah Discaya, Founder St. Gerrard Charity Foundation.
Tumutulong din ang mag-asawa para sa mga mommy na problemado ngayon sa budget para sa balik-eskwela ng kanilang mga chikiting.
“With St. Gerrard Charity Foundation, nakikita ko madaming nagso-solicit sa amin for the uniform, we are welcoming naman, also we are bringing down sa iba’t ibang barangay ‘yung, actually sa Bagong Ilog may ia-award ako na bagong payong, gamit sa schools para sa mga bata,” saad nito.
Ito naman ang payo ni Kuya Curlee upang maging matagumpay sa pagnegosyo.
“Kailangan para maging successful ka maging tapat ka sa negosyo, ‘wag kang manglalamang at magbigay ka, dahil the more na nagbibigay ka, the more na bumabalik ‘yan na sampung ulit na kapalit na blessings,” saad ni Curlee Discaya, Founder, St. Gerrard Charity Foundation.