Magkakambal na misyon nina Pastor Quiboloy at FPRRD para sa bayan, itinadhana ng Diyos

Magkakambal na misyon nina Pastor Quiboloy at FPRRD para sa bayan, itinadhana ng Diyos

MARCH 18, 2025 – Isang matibay na pagkakaibigan, hinubog sa pagsubok at paninindigan—ganito inilarawan ni Eleanor Cardona, Executive Secretary ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ang ugnayan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apollo Quiboloy sa ginanap na “Bring Back Home PRRD” rally sa Liwasang Bonifacio noong Linggo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Cardona na ang pagkakaibigan ng dating pangulo at ni Pastor Quiboloy ay lumalim sa loob ng apat na dekada, mula pa noong si Duterte ay isang simpleng prosecutor sa Davao City at ang butihing pastor naman ay nagsisimula pa lamang sa kanyang ministeryo.

“They are two ordinary people who worked together in two dangerous environments and through the years, they developed a strong friendship forged in fire,” ani Cardona. “Friends who support each other through difficult illness and situation.”

Inilahad ni Cardona kung paano ang dating madilim na imahe ng Davao City noong dekada ‘80—na tinawag pang “Nicaragdao” ang Agdao dahil sa karahasan—ay kasabay na bumangon sa pamumuno ni Duterte, habang lumalago rin ang ministeryo ni Quiboloy. Sa kabila ng magkaibang larangan—pampulitika at espiritwal—nagkakaisa umano sila sa isang misyon: ang protektahan at paglingkuran ang kanilang nasasakupan.

“Mga kababayan si Pastor at si Tatay Digong they are ordinary people kaya nga sinabi—God calls ordinary people to do extraordinary things that God has destined them to do. Destiny, tadhana. Tinadhana na silang dalawa na halos magkakambal ang kanilang misyon sa buhay. Si Pastor tagapangalaga sa espiritwal—nagbabago ng mga tao, tunay na pagbabago mula sa puso, si Digong din ang nag-aalaga sa mamamayan,” ani Cardona.

Hindi maikakaila ang naging papel ni Duterte sa pagsugpo sa terorismo at droga, aniya, at ganoon din si Pastor Quiboloy sa pamamagitan ng pagbibigay ng programang “Laban Kasama ang Bayan” upang labanan ang insurhensiya.

Ayon kay Cardona, bago pa man mahalal bilang Pangulo si Duterte noong 2016, ipinahayag na kay Pastor Quiboloy ang kanyang magiging papel sa bansa.

“May mensahe ang Dakilang Diyos. Labing-walong taon bago maging presidente si Tatay Digong, ito ay ipinahayag na kay Pastor. Habang naglalaro sila ng golf, sinabi ni Pastor sa kanya: ‘Mayor, nanaginip ako. Nasa Malacañang ka at may kausap kang mga heneral. Palagay ko, magiging presidente ka, sapagkat iyon ang nakita ko,’’ ani Cardona.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com

 

Follow SMNI NEWS on Twitter