MULING kinilala ang mahalagang kontribusyon ng SMNI News sa nation-building.
Miyerkules ng gabi sa Okada Manila, nagtipun-tipon ang ilang mga kilalang personalidad at organisasyon mula sa iba’t ibang sektor.
Kinilala ang mga ito sa taunang Philippines’ Golden Eagle Awards dahil sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa iba’t ibang larangan.
At isa sa mga pinarangalan ay ang SMNI News dahil sa ambag ng TV Network sa nation-building.
Tinanggap ng SMNI ang parangal na Outstanding Media Network for Nation Building.
Matatandaan na una nang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na nakalaan ang SMNI para sa nation-building.
Ayon kay Pastor Apollo na susuportahan nito ang gobyerno sa mga programa at proyekto nito tungo sa pag-unlad ng bansa.
Una na ring sinabi ni Pastor Apollo na tatayo ang SMNI para sa katotohanan upang tuluyan ding wakasan ang paglaganap ng salot sa lipunan na CPP-NPA-NDF na naging sanhi ng pagkakawatak-watak ng ilang pamilyang Pilipino.
Hindi pa nagtatapos ang taong 2023, pero umani na ng halos 30 parangal ang SMNI News mula sa iba’t ibang award-giving body.
Patunay na patuloy na namamayagpag at pinagkakatiwalaan ng taumbayan ang SMNI.