Mahigit ₱2M halaga ng marijuana sinira ng mga otoridad mula sa 3 plantation site sa Benguet

Mahigit ₱2M halaga ng marijuana sinira ng mga otoridad mula sa 3 plantation site sa Benguet

AABOT sa 13,200 piraso nang tanim na marijuana na nagkakahalaga ng aabot sa P2,640,000.00 ang binunot at sinira ng mga otoridad sa Sitio Sayangan, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba mula sa PDEA RO I – Regional Special Enforcement Team (PDEA RSET), Bakun Police Station, PDEA La Union Provincial Office (PDEA LUPO) at PDEA Cordillera Administrative Region-Benguet Provincial Office (PDEA CAR – BPO) naging matagumpay ang ginawang operasyon.

Base sa ulat ng mga otoridad ang libu-libong tanim na marijuana ay mula sa tatlong plantasyon na may kabuuang lawak na aabot sa 2,100 square meters.

Pagkatapos ng operasyon agad namang sinunog ng mga otoridad ang mga marijuana.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble