Mahigit 2-M Tesla cars sa Estados Unidos at Canada, ipinababalik dahil sa autopilot issues

Mahigit 2-M Tesla cars sa Estados Unidos at Canada, ipinababalik dahil sa autopilot issues

IPINABABALIK ngayon ng electric car maker na Tesla ang mahigit 2-M sasakyang gawa nila sa Estados Unidos at Canada.

Saklaw ng ipinapabalik ay ang mga model na S, X, Y at 3.

Sa notice ng US National Highway Traffic Safety Administration, malaki ang banta ng pagkabangga sa mga ito dahil may problema ang autopilot software.

Bago pa ang pagpapabalik na ito ay nasasangkot na ang autopilot program ng Tesla sa iba’t ibang imbestigasyon gaya nalang sa isang nangyaring crash noong taong 2019.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter