NAMAHAGI ng laptops ang lungsod ng Navotas para sa kanilang mga guro.
Sa update, nasa 289 na mga guro mula sa iba’t ibang paaralang pampubliko sa Navotas ang nakatanggap.
Naging posible ang pamamahagi ng laptops kahapon, Disyembre 9 sa pamamagitan ng Schools Division Office-Navotas bilang bahagi ng pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day.
Sa San Roque Elementary School naman isinagawa ang bigayan.