SA plenary hearing sa Kamara, iginiit ng Department of Energy (DOE) na kabuuang 21,753 on grid and off grid sitios ang wala pa ring kuryente sa buong bansa.
Ayon sa DOE, naglatag na sila ng pondo para bigyan ng kuryente ang mga sitio sa ilalim ng kanilang 2023 proposed national budget.
Ngunit sa P3.1 Billion na request nila sa ilalim ng Sitio Electrification Program, tanging P1.627 Billion lamang ang naaprubahan.
Sa pagtaya naman ng Kamara, aabutin ng 15 taon para mabigyan ng kuryente ang mahigit sa 21,000 sitio.
Solusyon naman dito ng Kamara, para mas mabilis makuha ang target ng Sitio Electrification Program, mainam na dagdagan ang pondo nito sa 2023.