Mahigit 300 bagong officer candidate ng PH Army, nagsimula na sa pagsasanay

Mahigit 300 bagong officer candidate ng PH Army, nagsimula na sa pagsasanay

SININULAN ng nasa 353 miyembro ng Officer Candidate Course (OCC) Class 62-2025 ang kanilang pagiging bahagi sa militar sa pamamagitan ng isang oath-taking at reception ceremony na ginanap sa Headquarters Training and Doctrine Command sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Ang OCC Class 62-2025 ang binubuo ng 313 iat 40 babae na galing sa iba’t ibang academic backgrounds kagaya ng education, criminology, engineering, psychology, at iba pang kurso.

Ang nabanggit na bilang ay sasailalim sa isang taong OCC training na huhubog sa kanilang pisikal, mental at kakayahang mamuno.

Binigyang diin naman ni Combat Engineer Regiment Brig. Gen. Ulpiano Olarte na sa mga susunod na pagsasanay ay bibigyan ng importansiya ang pagkakaroon ng responsibilidad, tapang, at disiplina.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble