MAHIGIT 40% sa mga Pilipino ang nais maging ‘optional’ lang ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.
Marami-rami pang mga Pilipino ang pabor na maging optional lang ang ROTC program para sa senior high school students.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations noong Marso 26-29, 42% sa mga Pilipino ang nagsasabing ‘optional’ lang dapat ito.
35% naman ang sang-ayon na maging mandatory ang ROTC habang 22% ang hindi sang-ayon na ipatupad ito sa senior high school.
1% lang ang hindi pa nakakapag-desisyon hinggil sa isyu.