NAHARANG ng mga awtoridad ang mahigit sa 400 milyon pisong halaga ng pera na nakasilid sa malalaking trolley sa Mactan Cebu International Airport, Biyernes, May 10, 2025
Nasa 9 na banyaga ang sangkot nang masabat ang naturang pera.
Bukod sa mga banyaga mayroon pang 2 Pinoy na kasama na may dala ng pera.
Sa inisyal na imbestigasyon, patungong Maynila raw ang mga suspek lulan ng isang Chartered Flight.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng malaking halaga na ito at saan dadalhin ang pera.
Matatandaang, mahigpit na ipinatutupad ng COMELEC ang Money Ban ngayong panahon ng halalan.