Mahigit 50 libong piraso ng fully grown marijuana, winasak sa Kalinga

Mahigit 50 libong piraso ng fully grown marijuana, winasak sa Kalinga

TINATAYANG nasa humigit kumulang 10 milyong pisong halaga ng mga tanim na marijuana ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police–Drug Enforcement Group (PDEG) at ng Kalinga Provincial Police Office.

Ito’y matapos salakayin at sunugin ng mga awtoridad ang mahigit 5 libong metro kwadrado (5,450 sqms) taniman ng marijuana sa Brgy. Ngibat sa bayan ng Tinglayan.

Ayon ay PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, nasa mahigit 54,500 piraso ng mga fully grown marijuana ang kanilang nabunot na batay sa pagtaya ay nagkakahalaga ng Php 10.9M.

Bagaman walang naarestong cultivator, agad na sinunog ang mga naturang tanim na marijuana alinsunod na rin sa itinatakda ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Giit ni Matta, mananatiling nakabantay ang kanilang hanay sa mga lugar na may nakatanim na marjuana upang agad itong wasakin nang hindi na makasira pa sa buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter