NAKATANGGAP ng kanilang PhilID at ePhilID mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang mahigit 70 milyong Pilipino.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na siya ring National Statistician and Civil Registrar, nasa kabuuang 70,271,330 PhilID at ePhilID ang nai-deliver sa mga nakapagrehistrong Pilipino.
Sa nabanggit na bilang, nasa 33,422,502 PhilIDs o physical ID ang nai-deliver na hanggang noong Hunyo 16.
Nakapag-isyu na rin ito ng 36,848,828 ePhilIDs na maaaring i-print at i-download.
Magagamit ang PhilID at ePhilID sa mga transaksiyon na kailangan ang proof of identity.
Samantala, hinimok naman ng PSA ang ating mga kababayan na nakatanggap na ng kanilang PhilID at ePhilID na ma-maximize ang paggamit nito sa kanilang mga transaksiyon.