Mahigit kalahati sa libu-libong NCAP violation tickets itinuring na invalid—MMDA

Mahigit kalahati sa libu-libong NCAP violation tickets itinuring na invalid—MMDA

ITINURING nang invalid ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mahigit kalahati ng libu-libong traffic tickets sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

‘Minor violations’ lang anila ang mga rason kung kaya’t itinuring na invalid.

Batay sa datos mula Mayo 26–Hunyo 4, 2025, nasa 8, 586 na mga motorista ang naitalang may paglabag.

Ngunit tanging 4, 100 lamang ang nakumpirmang totoong mga paglabag matapos dumaan sa pagsusuri ng mga tauhan ng ahensiya.

Ilan sa mga ‘minor violations’ ay ang pansamantalang paglabas sa motorcycle lane ng ilang segundo.

Maging ang bahagyang pagpasok sa yellow boxes sa mga intersection kahit ilang pulgada lang.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble