Mahigpit na seguridad sa paghahain ng COC, sinigurado ng PNP

Mahigpit na seguridad sa paghahain ng COC, sinigurado ng PNP

SINIGURADO ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na seguridad sa paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) sa mga kakandidato na mga politiko sa darating na 2022 elections.

Mahigpit na seguridad at proteksiyon ng bawat indibidual sa kasagsagan ng paghahain ng (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA), ang sinigurado ng Philippine National Police.

Makikita ang paghahanda ng mga kapulisan sa kapaligiran sa Sofitel kung saan gaganapin ang paghahain ng mga kakandidato.

Samantala, magpapatupad ng One way traffic scheme ang MMDA sa CCP Complex sa Pasay City sa kasagsagan ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) and Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Mag-uumpisa ang One way traffic scheme mula alas 5 ng umaga ngayon-araw ng Biyernes October 1 hanggang sa October 8.

Ang One way traffic scheme ay ipatutupad sa A. Dela Rama (V. Sotto to Buendia), Buendia (A. Dela Rama to Jalandoni), at Jalandoni (Buendia to V. Sotto).

Inaabisuhan ang mga motorista na gamitin o maghanap na ng alternatibong mga ruta.

SMNI NEWS