MAGKAHALONG tuwa at pananabik ang naramdaman ng mga kababayang OFW sa Malaysia matapos i-anunsyo na ipapalabas na sa bansa ang historical movie na “Maid In Malacañang”.
Nitong Oktubre 20, ang unang-araw na ipinalabas ang pelikulang “Maid In Malacañang” sa Malaysia kung saan ay agad itong pinilahan ng mga kababayang Pilipino na nais ding mapanood ang nasabing pelikula.
Hindi naman napigilan ng mga nakapanood ng pelikula na ibahagi ang kanilang mga naramdaman sa panonood ng “Maid In Malacañang”.
Ibinahagi rin ni Tatay Ernie na nakarelate siya sa pelikula dahil na rin sa kanyang karanasan sa panahon ng pamumuno ng mga Marcos.
Inaasahan naman ng ating mga kababayang OFW na magkakaroon ng part 2 ang nasabing pelikula at muling ipapalabas sa mga sinehan sa Malaysia.