MAY pinakamalaking ambag ang Makati City sa Gross Value Added (GVA) ng sektor ng serbisyo sa bansa noong 2023, na may 8.35% bahagi.
Sinundan ito ng Lungsod ng Quezon na may 8.33%, habang kabilang din sa nangungunang 10 ang Maynila, Taguig, Laguna, Cavite, Pasig, Davao, Pasay, at Bulacan.
Umabot sa P13.12T ang kabuuang GVA ng serbisyo sa bansa, na tumaas ng 7.1% mula noong 2022.
Ang pinagsamang kontribusyon ng mga pangunahing lungsod at lalawigan ay umabot sa 42.6% ng kabuuang GVA.
Ang Gross Value Added (GVA) ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nalilikha sa isang lugar, na siyang nagpapakita kung gaano kaunlad ang ekonomiya nito.