Malaking reporma sa Bilibid, kailangan –Catapang

Malaking reporma sa Bilibid, kailangan –Catapang

KAILANGAN ng malakihang reporma sa New Bilibid Prison (NBP.

Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) OIC Gregorio Catapang Jr. kasunod sa pagkakakumpiska at boluntaryong pag-surrender ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga iligal nilang kagamitan sa loob ng Bilibid.

Sa panayam ng SMNI News, inihayag ni Catapang na dapat paigtingin pa ang pagbabantay sa mga pumapasok o lumalabas na mga tao sa NBP.

Duda rin ito na posibleng may mga kakuntyaba ang mga PDL na namumuno sa Maximum Security Unit at binigyang-diin na hindi niya ito pahihintulutan.

Kaugnay nito, isa sa nais nitong idulog sa pamahalaan na dapat magkaroon ng reporma kabilang na ang paghiwa-hiwalay sa mga inmates na naaayon sa kanilang kaso.

Samantala, kaugnay naman sa kanyang pagiging OIC sa BuCor, kinumpirma nito na mismong si DOJ Secretary Remulla ang nagmungkahing hahalili kay suspended BuCor chief Gerald Bantag.

Gayunpaman, handa naman si Catapang na lisanin ang pwesto at maging deputy ni Bantag kung sakaling makababalik ito sa ahensiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter