NAGHAHABOL lamang sa performance indicator ang Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na pagtatapos ng unang bahagi ng taong 2024.
Ito ang isa sa mga rason sa nangyaring malawakang regodon ng pulis sa Davao Region partikular na sa lungsod ng Dabaw.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, isang ordinaryong paglilipat lang ito ng mga tauhan na hindi dapat ikatakot ng publiko.
Ayon sa nakasaad sa NAPOLCOM Memo No. 92-012 – isinasagawa ang performance evaluation system dalawang beses kada taon na nakapokus sa administrative at operational system bawat area of responsibility ng isang pulis.
Nakapaloob dito ang maayos na pagpapatupad ng disiplina sa bawat police officer, implementasyon ng law enforcement at order maintenance ng isang pulis sa kani-kanilang areas of responsibility.
NAPOLCOM: Memo Circular No. 92-012
“It is also known as “performance evaluation system”. The Performance Evaluation System in the PNP is focused on two (2) areas: administrative (40%) and operational (60%). It is conducted every six (6) months or twice a year.”
“May hinahabol lang kasi kami na performance indicator and nasa regional director ang requirement na ito ang hahabulin natin. But for the people to see na very effective ang PNP it doesn’t matter, we don’t see sa mga ganyan, ang gagawin natin kung anuman ang process ng because ito ang gusto ng sabi ng DILG na gusto natin maramdaman ang PNP sa ground,” ayon kay Gen. Rommel Francisco Marbil, Chief, PNP.
Nauna nang ipinagtataka ni Mayor Baste na bakit aniya sa kaniyang lungsod isinagawa ang rigodon sa kabila ng pagiging isang kilalang isa sa mga pinakaligtas na lungsod sa Southeast Asia at maging sa buong mundo.
“Go to Numbeo, take a screenshot of where we stand today in terms of safety, peace and order. We are just below Singapore at 71.8 as our score on safety index. That is how hard we fought for this city for years.”
“However, there are extraordinary and unwarranted administrative changes by the Philippine National Police that seem to be politically motivated. Good luck PNP the Davaoeños are watching. We will remember this,” pahayag ni Mayor Sebastian “Baste Duterte” Duterte, Davao City.
Pinangangambahan din nito ang posibleng epekto sa morale ng pulis lalo na sa mga nauna nang ipinatutupad na mga polisiya ng lungsod sa usapin ng peace and order at paglaban sa terorismo, krimen at ilegal na droga.
“This move by General Marbil and Police Regional Office XI Regional Director Nicolas Torre undermines the hard work not only of these police officials but also of every police personnel who is truthfully fulfilling their mandate, that instead of being recognized, are being relieved and questioned. The mass relief of police officials, including the City Police Director, the head of the Special Operations Group, and 19 station commanders, assigned in Davao City will not help in sustaining the city’s peace and security situation,” ani Mayor Baste.
11 coast guard, itinalaga bilang dagdag traffic enforcers ng Davao City
Sa kabilang banda, wala namang ibang pakay ang pagtatalaga ng 11 tauhan ng Philippine Coast Guard sa Davao City kundi ang mapabuti lang umano ang sistema ng trapiko sa lungsod.
Ito’y matapos na pumasa sa kanilang on the job training ang nasabing mga indibidwal sa opisyal na pahayag ng coast guard, bahagi lamang anila ito ang kanilang inilunsad na mandato sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr) at sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO).
Naniniwala ang ahensiya na malaking tulong ang mga tauhang ito dahil sa lumalawak na hamon laban sa mga ilegal na operasyon ng mga sasakyan, tumataas na bilang ng traffic violations, lumalalang kaso ng congestion sa airports at seaports sa Davao Region.
“With mounting challenges within the land, air, and sea transportation, including the surge in illegally operating vehicles, rising traffic violations, and congestion at airports and seaports in Region XI (Davao Region), it is crucial to bolster collaborative efforts to address these issues effectively,” pahayag ng Southeastern Mindanao (PCG).
Opisyal na nagsimula ngayong araw Hulyo 15, 2024 ang trabaho ng nasabing tauhan ng coast guard bilang deputized traffic enforcers habang umaasa naman ang Philippine Coast Guard na magiging epektibo ang hakbang na ito sa pagpapanatiling ligtas sa mga mamamayan ng Davao City.