Mandaluyong LGU namahagi ng mga school supplies para sa Balik Eskwela 2024-2025

Mandaluyong LGU namahagi ng mga school supplies para sa Balik Eskwela 2024-2025

SINIMULAN na kahapon ng umaga ang pamamahagi ng Mandaluyong City ng libreng rubber shoes, mga kagamitan sa eskwela, laptop, printer at uniporme para sa mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Ito ay pinangunahan ni Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos, at ng Sangguniang Panlungsod ang symbolic distribution ng mga school supplies at uniporme nitong Lunes, Hulyo 22, 2024 sa katatapos na flag raising ceremony sa City Hall. Ang aktibidad ay ang Balik-Eskwela 2024-2025 ng pamahalaang lungsod.

Ang mga bagong rubber shoes ay karagdagang sa leather shoes na naibigay na ng pamahalaang lungsod sa mga estudyante noong nakaraang taon, gayun din ang mga school supplies tulad ng bag, diary, notebook, uniporme, medyas, laptop, at printers.

Ang mga ito ay tinanggap ng Schools Division Office Mandaluyong na naatasan sa pamamahagi ng mga ito sa mga estudyante. Kasama sa mga tumanggap ay ilang mga estudyante ng lungsod.

Ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Ben Abalos ay naglalaan ng pondo kada taon para sa libreng school supplies, mga uniporme at sapatos para mabawasan ang gastusin ng mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang mga anak. Tulong din ito para masigurong walang dahilan ang isang estudyanteng Mandaleño na hindi makapasok sa eskwelahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble