Mandatory hair follicle drug test, ipinapanukala sa Presidente ng Pilipinas at mga kawani ng pamahalaan

Mandatory hair follicle drug test, ipinapanukala sa Presidente ng Pilipinas at mga kawani ng pamahalaan

INIHAIN ngayon ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang House Bill 10744 na layong magpatupad ng ‘mandatory random drug test’ sa lahat ng appointed at elected government officials sa buong bansa.

Sakop ng panukala maging ang Pangulo ng Pilipinas pati na ang mga kukuha ng driver’s license, mga kawani pribado at pampublikong tanggapan lalo na mga taga-GOCCs.

Ipinapanukala na sumalang ang mga ito sa hair follicle drug test at urine drug test naman para sa confirmation.

Isinasaad rin ng panukala na dapat gawin ito sa lahat ng mga taga-gobyerno kada-anim na buwan.

Ayon kay Congressman Duterte, marapat lamang na patunayan ng mga taga-gobyerno na sila’y sumusunod sa batas sa pamamagitan ng pagpapa-drug test.

“It is imperative that public officials and government employees should be the very first to uphold such a Constitutional mandate by submitting themselves towards accountability measures that serve as a tool in addressing the fulfillment of this mandate,” ayon kay Rep. Paolo Duterte on House Bill 10744.

Saad din ng kongresistang Duterte na ito ang nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at hindi exempted dito ang mga taga-gobyerno.

“This is the rationale behind the compulsory nature of drug testing in Section 36 of Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” dagdag ni Rep. Paolo Duterte.

Para kay dating Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles, lalong tumitindi ang panawagang drug test kay Marcos Jr.

Lalo na ngayon at may legislative action na para ipanawagan na sumalangi to sa hair follicle test.

Panawagang drug test kay Marcos Jr., mas lalong tumitindi—Atty. Trixie Cruz-Angeles

“‘Yung panggagamit in particular ng mga public officials. Dahil kung sila po ay gumagamit, mayroon silang interes to protect that. Ngayon, alam natin at maliwanag na maliwanag sa ating batas na labag ito sa Dangerous Drugs Act and so hindi natin dapat pino-protektahan ang mga gumagamit,” saad ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, Former Press Secretary.

Sabi ni Cruz-Angeles, malinaw na nakasaad sa Saligang Batas ang transparency sa mga taga-gobyerno.

Kaya mahalagang tumugon ang mga ito sa panawagang sumailalim sa drug test.

“Ang isang tao na kailangan magtrabaho, gumagawa ng desisyon sa araw-araw na nakakaapekto sa publiko ay nangangailangan na nasa tamang kaisipan at nasa tamang kalusugan para makagawa nga ng mga desisyon na ‘yon at ang mga desisyon ay informed, at base sa logic at available information,” ayon pa kay Cruz-Angeles.

Kung pagbabatayan ang komento ng netizens, mayorya sa mga Pilipino ang nananawagang magpa-drug test ang Pangulo.

Nauna riyan ‘yung mga videong lumalabas na nag-uugnay kay Marcos Jr. sa illegal drug use.

Pati na ang paglabas ng witness na si Cathy Binag na nagpapatotoo sa isyu ng paggamit umano ng ilegal na droga ni Marcos Jr.

“Hindi natin hinihingi ang random drug testing just for the ano… in order to catch a crime because merong aspeto din ‘yan. But in order for us to determine kung ang kawani ng gobyerno maaari pang tumuloy sa kaniyang posisyon gawa nga ng posibilidad na naaapektuhan ang kanilang utak o ang kanilang kalusugan,” diin pa nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble