NAKIISA ang Manila Water Company at Manila Water Foundation sa programang Heat Stroke Break ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Layon ng proyektong ito na ipaalala ang regular hydration o ang pag-inom ng tubig lalo na sa mga MMDA personnel na nasa field.
Namahagi ang mga nasabing kompanya ng purified drinking water sa MMDA.
Bukod sa mga inuming tubig, nagbigay rin ang Manila Water Foundation ng mga hygiene products.